Daraga Mayor Baldo at iba pa kinasuhan ng murder kaugnay sa Batocabe slay case

By Den Macaranas April 04, 2019 - 07:19 PM

Pormal nang kinasuhan ng Department of Justice si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo ng kasong murder at attempted murder kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe noong nakalipas na taon.

Sa kanilang resolusyon na inilabas ngayong araw, sinabi ng DOJ na kinakitaan ng probable cause ang pagsasampa ng kaso kay Baldo at ilan pa sa kanyang mga tauhan.

December 22 noong nakalipas na taon nang tambangan si Batocabe kasama ang kanyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz at nagresulta rin ito sa pagkakasugat ng ilan pang biktima sa bayan ng Daraga.

Ang kaso laban kay Baldo at kanyang mga kasangkot sa krimen at isinampa sa Legazpi City Regional Trial Court.

Kabilang rin sa mga kinasuhan ng murder at frustrated murder sina Christopher Naval, Emmanuel Rosello, Jaywin Babor, Henry Yuson, at Rolando Arimado.

Dahil sa ang kaso ay murder, sinabi ng DOJ na hindi papayagang makapag-piyansa ang nasabing incumbent official.

TAGS: ako bicol, baldo, batocabe, Daraga, DOJ, Murder, ako bicol, baldo, batocabe, Daraga, DOJ, Murder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.