Mitsubishi may natatanggap ring reklamo ng SUA sa iba nilang unit

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2015 - 12:33 PM

MonteroInamin ng pamunuan ng Mitsubishi Motors Philippines Corp. na nakatatanggap din sila ng reklamo ng sudden unintended acceleration sa iba nilang units maliban sa Montero.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Mitsubishi Motors Philippines Corp. first vice president for marketing Froilan Dytianquin may mga reklamo din ng SUA sa kanilang units na Strada at Fuzion.

Pero paglilinaw ni Dytianquin, ang reklamo sa nasabing mga unit ay hindi naman kasing dami ng sa Montero. “May reklamo din kami ng SUA sa ibang unit, sa Strada we have 5, sa Fuzion meron din pero hindi kasing dami ng sa Montero,” ayon kay Dytianquin.

Sa ngayon ayon kay Dytianquin, umabot na sa 119 na reklamo ng SUA sa Montero ang kanilang natanggap. 95 dito ay naresolba na umano nila.

Dagdag pa ni Dytianquin, simula nang makatanggap sila ng reklamo tungkol sa SUA sa mga Montero units ay agad nila itong ipinagbigay-alam sa kanilang supplier.

Noong taong 2011 aniya ay dalawang beses na nagpadala ng mga engineers at experts ang Mitsubishi Japan para suriin ang mga piyesa at iba pang components ng mga Montero.

Kabilang sa mga ginawa ang dynamic test at magsusuri sa matting, pero wala naman aniyang nakitang problema.

Ayon kay Dytianquin, sa Thailand ginagawa ang mga Montero na naririto sa Pilipinas at ang Thailand din ang nagsusuplay sa 90 iba pang mga bansa sa mundo.

Sa lahat aniya ng bansa na sinuplayan ng Thailand ay tanging sa Pilipinas lamang nagkaroon ng mga reklamo ng SUA.

Nilinaw naman ni Dytianquin na hindi nila binabalewa ang reklamo ng kanilang mga kliyente, at itinuturing nilang seryoso ang mga report ng SUA sa ilang Montero units.

TAGS: Sudden Unintended Acceleration, Sudden Unintended Acceleration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.