Panelo: Powerful enemies nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng pangulo
Sinabi ng Malacañang na may mga “powerful enemies” ang pangulo na nasa likod ng assissnation plot laban sa kanya.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi maitatanggi na maraming naging kalaban ang pangulo hindi lamang sa pulitika kundi maging sa kanyang mga advocacies.
Tumanggi naman si Panelo na pangalanan ang mga sinasabing makapangyarihang kalaban ng pangulo.
Lalo pa umano itong nadagdagan nang siya ay maging pangulo ng bansa at inilunsad ang war on drugs ng gobyerno.
Ayon kay Panelo, “There has always been threats against national leaders, and all the more so against this President who has made enemies in all fronts when he declared a war against drugs, criminality, corruption and all forms of illegality.”
Noong nakaraang Lunes ay naging mahigpit ang Presidential Security Group (PSG) sa seguridad sa pangulo nang ito ay dumalo sa proclamation rally ng PDP-Laban sa Malabon City.
Naglagay ng bullet proof panel ang PSG dahil isa umanong open area ang pinagganapan ng political rally.
Sa kanyang panig, naniniwala naman ang pangulo na balewala rin ang lahat ng paghihigpit sa kanyang seguridad dahil kung oras na raw talaga ng isang tao ay wala na itong magagawa pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.