Kinondena ng Malacañang ang pagsabog sa isang restaurant sa Sultan Kudarat kung saan labing-walo ang nasugatan.
Sa inilabas na pahayag, nangako si Presidential spokesman Salvador Panelo na mabibigyan ng hustisya ang naganap na pagsabog para sa mga biktima.
Aniya, batay sa ulat ng Philippine National Police, extortion ang nasa likod ng pag-atake.
Nananatili naman ang mga biktima sa Holy Nazarene Hospital, Isulan Doctor’s Specialist, Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan at sa St. Louis Hospital sa Tacurong City.
Nagpaalala naman si Panelo sa publiko na manatiling alerto at agad i-report sa mga otoridad ang mga makikitang kahina-hinalang galaw sa labas.
MOST READ
LATEST STORIES