Detalye ng war on drugs nasa SC na ayon sa OSG

By Angellic Jordan April 04, 2019 - 03:47 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Office of the Solicitor General (OSG) na ilalabas ang lahat ng dokumento sa war on drugs operations ng pulisya simula July 1, 2016.

Sa inilabas na pahayag, nangako si Solicitor General Jose Calida na susunod sa direktiba ng Supreme Court kaugnay sa ‘Oplan Tokhang’ reports.

Nilinaw naman ni Calida na naibigay na ang nabanggit na police documents sa dalawang inilabas na petisyon.

Agad aniyang sumunod ang O-S-G sa direktiba ng S-C sa kasagsagan ng oral arguments na isumite ang mga nasabing dokumento.

Nagpaliwanag naman si Calida sa pagtanggi nitong ibigay ang kopya sa petitioners dahil naglalaman ito ng mga sensitibong impormasyon sa seguridad ng bansa.

TAGS: calida, OSG, Supreme Court, War on drugs, calida, OSG, Supreme Court, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.