Metro Manila walang terror threat ayon sa NCRPO
Nagsagawa ng simulation exercises ang Manila Police District para paigtingin ang kanilang operasyon laban sa posibleng banta ng terorista, Huwebes ng umaga.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ito ay bahagi ng kanilang preparasyon sa darating na Semana Santa, summer vacation.
Bahagi ng simulation exercise ang pagresponde ng M-P-D at rescue unit sa kunwaring insidente ng pagsabog at pamamaril sa labas ng Manila cathedral at San Agustin Church sa Intramuros.
Ani Eleazar, makatutulong ito para maging handa ang mga pulis at rescue unit sa kahalintudad na insidente ng pagsabog sa Jolo, Sulu noong January 27.
Tiniyak naman ng opisyal na walang natatanggap na banta sa mga simbahan.
Gayunman, mananatili aniyang alerto ang mga pulis sa Metro Manila para maiwasan ang anumang untoward incident sa Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.