BIR: Filing ng income tax returns mas pinadali para sa mga taxpayers
Nagpa-alala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa publiko na magfile ng mas mas maaga ng kanilang income tax returns para sa taong 2018 bago ang deadline sa April 15.
Karaniwan na kasing nagsisiksikan sa mga tanggapan ng BIR ang publiko sa deadline o huling araw ng filing ng income tax returns.
Sinabi BIR Deputy Commissioner for Legal Affairs Marissa Cabreros na mas magiging mabilis ang filing kapag may sapat na panahon.
Muli ring inulit ng opisyal na wala na silang ibibigay na extension sa income tax return filing at ang hindi aabot sa April 15 deadline ay papatawan ng karampatang penalty.
Ang mga self-employed individuals at professionals ay dalawang pahina na lamang ng dokumento ang kanilang nakatakdang sagutan kumpara sa dating 12-pages ayon pa sa opisyal.
Ang mga indibiduwal na kumikita ng P3 Million pababa ay dalawang pahina na rin ang kanilang dapat sulatan na dokumento at ito ay para mas mapadali ang proseso ng income tax filing dagdag pa ni Cabreros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.