Mga nasa bagong narcolist ni Pangulong Duterte handang imbestigahan ng PNP

By Chona Yu April 04, 2019 - 11:34 AM

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang mga nasa bagong narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesman Colonel Bernard Banac, mas lalong tutukan ng PNP ang mga pangalan na babanggitin ni Pangulong Duterte sa harap ng publiko.

Kasabay nito, sinabi ni Banac na patuloy din ang pangangalap ng PNP ng karagdagang impormasyon para sa mga artista na sangkot sa illegal na droga.

Malugod aniyang tinatanggap ng PNP ang pahayag ng ilang artista na kusa na silang sumailalim sa rehabilitasyon.

TAGS: bagong narcolist, Colonel Bernard Banac, mga artista na sangkot sa illegal na droga, PNP, Rodrigo Duterte, bagong narcolist, Colonel Bernard Banac, mga artista na sangkot sa illegal na droga, PNP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.