MV Emerald, hahatakin at eeskortan palabas ng bansa kapag pinaalis pero magmamatigas pa rin sa pananatili sa Lobo, Batangas

Hahatakin at eeskortan palabas ng bansa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang MV Emerald kung paalisin na at patuloy pang magmamatigas sa pananatili sa Lobo, Batangas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine Coast Guard spokesman Captain Armand Balilo na hindi padedehado ang Pilipinas sa mga dayuhan.

Hindi rin aniya hahayaan ng PCG na may masirang corals sa lugar.

Pagtitiyak ni Balilo, mahigpit na babantayan ng PCG ang mga aktibidad na gagawin ng MV Emerald.

Pero paglilinaw ni Balilo, hanggat may kaukulang dokumento at permiso ang MV Emerald, hindi naman magiging sagabal ang PCG sa pribadong sektor na gumagawa ng lehitimong operasyon sa Pilipinas.

Read more...