Dredging vessel na nasa Lobo, Batangas hindi na makapagsasagawa ng dredging operation

By Chona Yu April 04, 2019 - 10:15 AM

Hindi na maaaring makapagsagawa ng dredging operation ang MV Emerald sa Lobo, Batangas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Captain Armand Balilo, base sa pakikipag-ugnayan ng kanilang hanay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nakansela na kasi ang permit to operate at environmental compliance certificate ng MV Emerald para makapagsagawa ng dredging operation o pagkuha ng buhangin sa Lobo River.

Gayunman, sinabi ni Balilo na hindi pa maaring palayasin ng PCG ang barko sa Lobo.

Paliwanag ni Balilo, kumpleto kasi sa dokumento ang MV Emerald at wala namang nilalabag na batas sa Pilipinas.

Katunayan, nagbayad ang MV Emerald ng anchorage fee sa Philippine Port Authority para sap ag angkorahe ng barko sa anchorage area.

Sa pagtaya ni Balilo, nasa P50,000 kada araw ang anchorage fee.

Wala aniyang timetable kung hanggang kailan maaring manatili sa lugar ang barko. Hanggat nagbabayad aniya ang barko ng anchorage fee, walang dahilan ang PCG na paalisin ang MV Emerald.

Ayon kay Balilo, Singaporean based ang barko at naka rehistro sa Africa.

TAGS: Captain Armand Balil, DENR, dredging vessel, Lobo Batangas, MV Emerald, PCG, Captain Armand Balil, DENR, dredging vessel, Lobo Batangas, MV Emerald, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.