VM Belmonte handang ipatupad ang mga plataporma kung maluluklok bilang mayor ng QC

By Jimmy Tamayo April 04, 2019 - 10:08 AM

Magiging prayoridad ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagbababa ng mga serbisyo sa city hall patungo sa mga barangay, at ang pagpapabuti ng implementasyon ng mga ordinansa sa lungsod.

Sinabi ito ni Belmonte sakaling maluklok bilang alkalde ng lungsod.

Ayon kay Belmonte hindi siya magsasayang pa ng panahon upang pag-aralan ang sistema ng pamumuno at maibigay ang serbisyo sa taong bayan.

Dagdag pa ni Belmonte sapat ang kanyang karanasan at mga natutunan sa siyam na taon niya bilang bise alkalde.

“Alam ko na ang mga dapat gawin, at mga dapat pagbutihin pa sa ating lungsod. Kaya kung ako ang maluklok bilang alkalde, pagtungtong ng July 1, kaya ko nang magtrabaho,” ani Belmonte.

Nakatulong din kay Belmonte, ang kanyang mga magulang upang hubugin siya bilang pinuno dahil sa mga naituro nito sa kanya.

“I am not my father, but I have learned from his good qualities as a leader and even from his mistakes. Though I have my own brand of leadership, my entire childhood has been spent observing my dad and mom as they served their community and the country. I have always aspired to serve as well, before, as vice mayor, and now, as a candidate for mayor,” ayon kay Belmonte.

TAGS: mayor ng QC, Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, mayor ng QC, Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.