CHR Region 12 nanawagan ng mas mahigpit na seguridad sa rehiyon matapos ang pagsabog sa Sultan Kudarat

By Dona Dominguez-Cargullo April 04, 2019 - 06:52 AM

Matapos ang pagsabog sa Sultan Kudarat, pinahihigpitan ng Commission on Human Rights (CHR) sa mga otoridad ang seguridad sa Region 12.

Nanawagan si Att. Erlan Deluvio, CHR Region 12 – Regional Human Rights director OIC, dapat ay maglatag ng protective measures ang PNP at militar.

Nanawagan din si Deluvio sa mabilis na aksyon upang maaresto ang suspek sa pagpapasabog na ikinasugat ng 18 katao sa bayan ng Isulan.

Mariin namang kinondena ng CHR ang pangyayari.

Ayon kay Deluvio, ito na ang ikatlong insidente ng pagsabog sa Isulan. (END?DD)

TAGS: CHR, Isulan Bombing, peace and order, region 12, Sultan Kudarat Bombing, CHR, Isulan Bombing, peace and order, region 12, Sultan Kudarat Bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.