Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 6:30 ng gabi sa Brgy. Salambao, na mabilis kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay at magkakadikit.
Nahirapan din ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa malakas na hangin.
Alas 9:30 ng gabi nang ideklarang fire out na ang sunog.
Sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay aabot sa 70 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Ayon sa BFP, ang naiwang appliance na nakasaksak ang maaring pinagmulan ng apoy.
READ NEXT
Buong bansa apektado ng Easterlies; biglaang buhos ng ulan sa ilang lugar mararanasan ayon sa PAGASA
MOST READ
LATEST STORIES