60 bahay nasunog sa Obando, Bulacan
Tinupok ng apoy ang tinatayang nasa 60 mga bahay sa Obando, Bulacan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 6:30 ng gabi sa Brgy. Salambao, na mabilis kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay at magkakadikit.
Nahirapan din ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa malakas na hangin.
Alas 9:30 ng gabi nang ideklarang fire out na ang sunog.
Sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay aabot sa 70 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Ayon sa BFP, ang naiwang appliance na nakasaksak ang maaring pinagmulan ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.