Isang suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Bulacan, naaresto

April 04, 2019 - 05:47 AM

Credit: Brgy. Kaypian

(UPDATE) Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang suspek sa pagpatay sa mag-iina sa San Jose Del Monte, Bulacan Miyerkules ng gabi.

Naaresto ang hindi pa pinangalanang suspek sa follow-up operation ng mga pulis sa Caloocan City.

Ayon pa sa pulisya, isa pang suspek ang patuloy na tinutugis.

Samantala, narekober na ng SOCO sa crime scene ang kutsilyo na hinihinalang ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa mag-iina.

Credit: Brgy. Kaypian
Credit: Brgy. Kaypian

Natagpuang patay na ang ginang at dalawa nitong batang anak sa loob ng kanilang bahay sa Carissa Homes, sa Brgy. Kaypian.

TAGS: 1 pa tinutugis, 1 suspek, Bulacan, caloocan, follow up operation, mag-iina, naaresto, san jose del monte, SOCO, 1 pa tinutugis, 1 suspek, Bulacan, caloocan, follow up operation, mag-iina, naaresto, san jose del monte, SOCO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.