OFW na minaltrato sa Iraq, pauwi na sa bansa

Phil. Embassy in Iraq FB photo

Pauwi na sa Pilipinas ang isang Filipina overseas worker na minaltrato ng kanyang employer sa Iraq.

Nagpasalamat ang Philippine Embassy sa Iraq sa lahat ng tumulong para mailigtas ang Pinay na pinangalanan lamang bilang Joyce.

“We thank everyone, especially our dear friends in Basra, for sorting things out with prison officials and helping us send our Kababayan ‘Joyce’ back home,” pahayag ng embahada sa kanilang Facebook account.

Ang Pinay ay isa sa 22 biktima ng human trafficking na unang nakatakdang bumalik sa bansa noong Disyembre.

Pero hindi ito natuloy dahil sa kasong isinampa ng kanyang employer.

Anim na buwan na kinupkop ng embahada si Joyce matapos itong tumakas sa kanyang amo.

Ngayong araw ng Huwebes inaasahang nasa Pilipinas na ang Pinay.

Read more...