Maynilad at Manila Water bukas sa pagbusisi sa concession agreements

By Rhommel Balasbas April 04, 2019 - 03:23 AM

Bukas ang Maynilad at Manila Water sa planong pagbusisi sa kanilang mga concession agreements.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Solicitor General at sa Department of Justice (DOJ) na i-review ang lahat ng kontrata na pinasok ng gobyerno.

Sa isang statement, sinabi ng Maynilad na handa sila sa pagbusisi sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng concession agreement na ginagawa rin naman umano ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office.

Sinabi naman ni Manila Water spokesperson Jeric Sevilla na bukas ang Manila Water sa dayalogo sa gobyerno upang humanap ng mga paraan upang matiyak ang sustainable water.

Ang utos sa pagbusisi sa mga kontrata ng gobyerno ay sa gitna ng paghahanap ng Manila Water ng solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa east zone ng Metro Manila.

TAGS: concession agreements, DOJ, Jeric Sevilla, kontrata, manila water, Maynila, review, solicitor general, suplay ng tubig, sustainable water, concession agreements, DOJ, Jeric Sevilla, kontrata, manila water, Maynila, review, solicitor general, suplay ng tubig, sustainable water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.