Wanted sa paggahasa sa pinsan, arestado sa Las Piñas

By Len Montaño April 04, 2019 - 03:06 AM

Naaresto sa Las Piñas ang lalaking umanoy nanghalay sa kanyang pinsan sa Ilocos Norte makalipas ang 17 taong pagtatago.

Ang suspek ay nakilalang si Abian Lindon, 33 anyos, suspek sa paggahasa sa pinsan nito sa Pagudpud noong 2002.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na nagtatago si Lindon sa Las Piñas.

Nang positibo sa lugar ang suspek ay agad inaresto si Lindon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Bangui, Ilocos Norte Regional Trial Court.

Dadalhin angs suspek sa Ilocos Norte kung saan ito makukulong.

TAGS: 17 taong pagtatago, Bangui, ilocos norte, Ilocos Norte RTC, las pinas, paggahasa, pinsan, wanted, 17 taong pagtatago, Bangui, ilocos norte, Ilocos Norte RTC, las pinas, paggahasa, pinsan, wanted

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.