Derek Ramsay, lumipat na sa GMA; Andrea Torres, unang makakapareha

By Len Montaño April 04, 2019 - 01:39 AM

Isa ng certified na kapuso ang aktor na si Derek Ramsay matapos itong lumipat sa GMA 7 mula sa dating network nito na ABS-CBN.

Ayon kay Derek, naging madali sa kanya ang desisyon na lumipat ng istasyon.

Matagal na umano itong hinihintay ng hunk actor.

Hindi lang umano siya ang kinausap ng GMA kundi ang pati ang kanyang pamilya.

Dagdag ng binata, suportado ng kanyang pamilya ang paglipat niya ng network.

Samantala, si Andrea Torres ang unang makakapareha ni Derek sa gagawin nilang primetime drama series.

Patikim nito, sexy at romantic agad ang mga eksena nila ni Andrea.

Masaya naman si Derek na katrabaho ang aktres dahil nag klick na anya agad sila.

TAGS: ABS-CBN, Andrea Torres, Derek Ramsay, GMA 7, Kapuso, lumipat, network, primetime drama series, romantic, sexy, ABS-CBN, Andrea Torres, Derek Ramsay, GMA 7, Kapuso, lumipat, network, primetime drama series, romantic, sexy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.