Special election idaraos sa bagong 2 distrito ng Southern Leyte

I

File photo

sang special election ang isasagawa sa Southern Leyte matapos itong hatiin sa dalawang distrito.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), sa Nobyembre o anim na buwan makalipas ang halalan sa May 13 isasagawa ang special election.

Sa isang resolusyon na may petsang March 25, sinabi ng Comelec na ang kasalukuyang kongresista ng nag-iisang distrito ng Southern Leyte ay mananatili sa kanyang pwesto hanggang sa June 30.

Tuloy naman ang halalan sa lalawigan sa May 13 para sa senador, party list representatives, gobernador, alkalde at iba pang municipal elective offices.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero ang RA 11198 na naghahati sa lalawigan sa dalawang distrito.

Ang first district ay binubuo ng Maasin City, Bontoc, Limasawa, Macrohon, Malitbog, Padre Burgos, at Tomas Opus.

Binubuo naman ng second district ang mga bayan ng Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Pintuyan, Saint Bernard, San Francisco, San Juan, San Ricardo, Silago at Sogod.

Read more...