Gobyerno nanindigan na walang record ang bansa sa hindi pagbabayad ng utang

By Chona Yu April 03, 2019 - 07:22 PM

Nanindigan ang Department of Finance na wala pang record ang Pilipinas ng default o hindi pagbabayad ng utang sa ibang bansa.

Taliwas ito sa pahayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na nagkaroon na ng record ng default ang Pilipinas noong 1983 nang magdeklara ng moratorium sa pagbabayad sa utang ang pamahalaan dahil sa kakulangan ng  foreign exchange ng Bangko Sentral ng Pilipinas para mabayaran ang foreign debt.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na nagkasundo kasi ang pamahalaan ng Pilipinas at ang mga lenders o ang mga nagpautang na magkaroon ng extension ng pagbabayad.

Dahil sa naantala lamang ang pagbabayad, sinabi ni Lambino na hindi pa rin ito maikukunsidera na default.

Maituturing lamang aniya na default ang isang utang kapag nagpasya na ang pamahalaan na hindi na magbayad.

Una rito, nangangamba si Carpio na mauwi sa default ang $62 Million na utang ng Pilipinas sa China para pondohan ang Chico river irrigation project at tuluyang maangkin ang Reed Bank na ginawang collateral.

TAGS: China, debt, Department of Finance, moratorium, China, debt, Department of Finance, moratorium

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.