Kahit may assassination plot Duterte tuloy ang public engagement

By Chona Yu April 03, 2019 - 06:13 PM

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bawasan ang speaking engagement sa mga pampublikong lugar.

Pahayag ito ng palasyo matapos ibunyag kahapon ng pangulo sa Malabon City na mayroong ikinakasang assassination plot ang mga kalaban.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa pagkakakilala niya sa pangulo, hindi takot ang punong ehekutibo na mamatay.

May mga pagkakataon pa aniya na lumalabas ng palasyo at tumatakas ang pangulo sa Presidential Security Group subalit agad din na nasusundan.

Matatandaang sa campaign rally kahapon ng PDP-Laban sa Malabon City ay may nakalagay na bullet proof glass sa podium ni Pangulong Duterte.

Kanya pa itong hinawakan at pabirong tinanong ang kanyang mga tauhan kung hindi ba tatagos ang bala doon.

TAGS: assassination plot, bulletprrof, duterte, Malabon, panelo, assassination plot, bulletprrof, duterte, Malabon, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.