2 patay, maraming iba pa sugatan sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat

inquirer file photo

Dalawang bata ang naiulat na namatay samantalang maraming iba pa ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang restaurant sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni dating Presidential Peace Adviser Jess Dureza na nakausap niya si Sultan Kudarat Gov. Pax Mangudadatu at kinumpirma nito na dalawang bata na ang naitalang casualties sa pagsabog.

Sa paunang ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-tres ng hapon kanina nang maganap ang pagsabog sa Carlito’s Chicken sa kahabaan ng National Highway in Barangay Kalawag 2 sa nasabing bayan.

Isinugod naman sa ilang mga sugatan sa Isulan Doctors Specialist Center at St Louis Hospital.

Sinasabi rin sa paunang ulat ng Scene of the Crime Operatives (Soco) na posibleng isang improvised explosive device ang sumabog sa lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

Read more...