Mar Roxas number one butterfly ayon kay Pangulong Duterte

Walang prinsipyo at walang respeto.

Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Otso Diretso senatorial candidate Mar Roxas.

Sa campaign rally ng PDP – Laban sa Malabon City kagabi, sinabi ng pangulo na number one butterfly si Roxas o ang numero unong pulitikong palipat-lipat ng partido.

“Mar Roxas, susmaryosep. Mar Roxas, pinaka number one na butterfly. Kaya wala akong respeto sa taong ito. Panahon ni Arroyo, Trade secretary siya. Panahon ni Aquino he was a Trade secretary, then he moved on to be DOTC, then finally DILG para sa pampulitika. Tapos — of course, nakalaban ko man ito. ” ayon sa pangulo.

Ayon sa pangulo, kaya wala siyang respeto kay Roxas dahil walang prinsipyo ang kandidato.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang paglipat lipat ni Roxas mula sa panahon ni dating pangulong Gloria Macagapal – Arroyo kung saan nagsilbi siyang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Tumalon aniya si Roxas sa partido liberal nang maupo sa puwesto noon si dating pangulong Benigno Aquino III at nagging kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“Kaya ako nung sa ano, ‘yung sa debate binabastos ko talaga. Eh wala akong respeto eh. Walang prinsipyo itong taong ito. Sige balik-balik doon sa kubeta, sabi ko, “Mar, nininerbyos ka ‘no? Pangsampu mo nang balik diyan sa — ‘yang puro — lahat na ihi diyan sa banyo iyo. ” ayon pa sa pangulo.

Dagdag ng pangulo, nagpalit-palit ng partido si Roxas para lamang sa ngalan ng pulitika.

Read more...