Senate President Sotto hinamong pangalanan ang mga senador na nasa likod ng budget cuts

By Erwin Aguilon April 03, 2019 - 12:35 PM

Hinamon ni House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya Jr. si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na pangalanan ang mga senador na nasa likod ng pagbabawas ng pondo sa major government programs at projects sa ilalim ng General Appropriations Bill.

Ito ay matapos na tawagin ni Sotto si Andaya at ilan pang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang “delusional.”

Ayon kay Andaya, sa halip aniya na insultuhin ang Kamara, dapat na itigil na raw ni Sotto ang paglihis sa atensyon ng publiko sa totoong issue.

Iginiit ng kongresista na naging “drastic” ang budget cuts na ginawa ng Senado hindi lamang sa Build, Build, Build projects kundi maging sa alokasyon para sa pensyon ng mga uniformed personnel at retirement benefits ng mga government employees.

Bukod dito dapat din anyang ipakita ng Mataas na Kapulungan ang mga items kung saan na-realign ang ginawang budget cuts.

TAGS: budget cuts, General Appropriations Bill, House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya Jr., Kamara, Senado, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, budget cuts, General Appropriations Bill, House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya Jr., Kamara, Senado, Senate President Vicente “Tito” Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.