Pangulong Duterte umiinom ng gamot na pampatulog

By Chona Yu April 03, 2019 - 12:45 PM

Bukod sa fentanyl, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiinom din siya ng stilnox, gamot na pampatulog.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa campaign rally ng PDP – Laban sa Malabon City, sinabi nito na kapag nakainom siya ng stilnox, mahimbing ang kanyang tulog na parang sa patay.

“Kaya ako takot diyan baka paggising mo… Eh kung naka — ako nag-iinom ako ng pampatulog, stilnox. Ang stilnox wala kang — patay ka talaga eh. Tulog ka,” ayon sa pangulo.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na kapag nakainom siya ng stilnox, may mga pagkakataon na natatakot siyang matulog na kasama ang si Honeylet Avancena sa pangambang bigla na lamang putulin ang kanyang pribadong parte ng katawan.

Dagdag ng pangulo, masyado aniyang matapang si Honeylet gaya ng kanyang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman na isang German.

Pero kahit matapang, sinabi ng pangulo na mahal niya si Honeylet.

Una nang inamin ng pangulo na umiinom siya ng fentanyl kahit na ipinagbabawal ng doctor para maibsan ang sakit na nararamdaman sa spine dahil sa aksidente sa motorsiklo may ilang taon na ang nakararaan.

TAGS: Elizabeth Zimmerman, fentanyl, honeylet avancena, pampatulog, Pangulong Duterte, stilnox, Elizabeth Zimmerman, fentanyl, honeylet avancena, pampatulog, Pangulong Duterte, stilnox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.