Regulasyon ng Bureau of Customs ipinare-review ni Rep. Siao
Ipinarerebisa ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa Bureau of Customs ang isa sa mga regulasyon nito na posibleng dahilan kung bakit nakakalusot pa rin ang ilegal na droga sa bansa.
Sa pagdinig ng Kamara ukol sa nakalusot na tone-toneladang basura mula sa South Korea papasok sa Misamis Oriental ginamit ng port collector na pandepensa ang isang Customs Memorandum Order upang payagang umusad ang bulk at break bulk cargo.
Nakasaad sa Section 4.7 ng Customs Memorandum Order 18-2010 na maaari nang palusutin ang kargamento at i-release sa warehouse ng importer o consignee kapag isinailalim na ito sa pre-shipment inspection.
Sa nabanggit na section ng CMO ay nakasaad na hindi agad maipupuslit ang kargamento kapag may hold order o alert na inilabas at kapag may natanggap na impormasyon ang commissioner o collector na may kaibahan sa idineklara mula sa tunay na laman o classification ng cargo.
Inaabuso anya ng smugglers ang probisyon sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa ilang opisyal o empleyado para madoktor ang importation documents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.