Suspek sa pagpatay sa rapper na si Nipsey Hussle naaresto na

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2019 - 06:33 AM

Naaresto na sa Los Angeles ang suspek sa pagpatay sa rapper na si Nipsey Hussle.

Ayon na Los Angeles Police Department, nasa kostodiya na nila ang 29 anyos na suspek na kinilalang si Eric Holder.

Sinabi ng LAPD, si Holder ang nag-iisang suspek na namaril kay Hussle sa harap ng clothing store nito na nagresulta din sa pagkasugat ng dalawang iba pa.

Nagpasalamat naman ang mga otoridad sa tulong ng publiko para sa pagkakadakip ng suspek.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo ni Holder sa ginawang pamamaril.

Samantala, patuloy ang pagdagsa ng mga nais makiramay sa pagpanaw ni Hussle.

Marami ang dumalo sa isinagawang vigil sa harapan ng kaniyang clothing store.

TAGS: nipsey hussle, Radyo Inquirer, suspect arrested, nipsey hussle, Radyo Inquirer, suspect arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.