Davao Region uuulanin dahil sa easterlies, northern Luzon apektado pa rin ng tail end ng cold front

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2019 - 06:21 AM

Apektado pa rin ng tail-end of a cold front ang Northern Luzon habang easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, ang Davao Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Maaring magdulot ng flash floods ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

Sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan dahil sa tail end ng cold front.

Habang sa Ilocos Region bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan na may isolated na pag-ulan.

Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay magiging maaliwalas ang panahon at makararanas lamang ng isolated rainshowers o thunderstorms.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.