Avengers: Endgame winasak ang box office pre-sales record sa loob lang ng 6 na oras

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2019 - 06:15 AM

Anim na oras matapos buksan ang pre-sales ng ticket para sa Avengers: Endgame, agad itong nakapagtala ng kasaysayan.

Winasak na ng Avengers: Endgame ang box office pre-sales record na hawak ng Star Wars: The Force Awakens mula noong 2015.

Ayon sa Fandango, ang American ticketing company na nagbebenta ng movie tickets sa pamamagitan ng website at mobile app ngayon lang nangyari sa kasaysayan na sa unang ilang oras pa lang ng pre-sales ay nakapagtala ng record ang isang pelikula.

Hindi naman inilabas ng Fandango ang actual na bilang ng tickets na nabili na.

Dahil dito nangunguna na ang Avengers: Endgame sa top five first day pre-sellers, sinusundan ito ng Star Wars: The Force Awakens, ikatlo ang Star Wars: The Last Jedi, ikaapat ang Rogue One: A Starwars Story at ikalima ang Avengers: Infinity War.

TAGS: avengers end game, Box Office, fandango, pre sales, avengers end game, Box Office, fandango, pre sales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.