9 arestado sa buy bust operation sa Makati

Arestado ang siyam katao sa buy bust operation ng Makati City Police Drug Enforcement Unit sa Brgy. Comembo.

Target ng operasyon si alyas ‘Jerry’, 37 anyos na nabilhan ng P1,000 halaga ng hinihinalang shabu mismong sa kanyang bahay sa Lansones St. sa Comembo.

Arestado rin ang live-in partner ni Jerry na kasabwat umano nito sa pagbebenta ng iligal na droga.

Naaktuhan naman ng mga pulis na gumagamit ng shabu ang pitong iba pa.

Nakumpiska ng mga pulis ang 40 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia mula sa mga suspek at isang kalibre.38 na baril din ang nakuha mula kay Jerry.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek partikular ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.

Read more...