4 arestado sa police operations sa Mandaluyong

By Rhommel Balasbas April 03, 2019 - 04:17 AM

Timbog ang apat katao kabilang ang isang babae sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Mandaluyong.

Unang naaresto ang isang alyas ‘Carlo Angelo’ sa isinagawang Oplan Bulabog, 39 anyos.

Sinita ang lalaki dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa bahagi ng J.P Rizal St., Barangay Namayan.

Pero napansin ng mga pulis ang umbok sa bulsa ng suspek.

Pinalabas ng mga pulis ang laman ng bulsa ni Carlo Angelo at dito na tumambad ang sachet ng hinihinalang shabu at dalawang improvised tooter.

Arestado naman ang isang alyas ‘Larry’, 54 anyos, sa buy bust operation sa Cordillera St. Brgy. Malamig.

Positibong nakabili ng P200 na halaga ng shabu ang poseur buyer mula sa suspek.

Arestado rin sa buy bust operation sa Coronado St., Brgy. Hulo sina alyas ‘Aristotle’, 41 anyos at alyas ‘Ellen’, 44 anyos.

Nabilhan ang dalawa ng P500 halaga ng shabu.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

TAGS: 4 arestado, buy bust, improvised tooter, Mandaluyong, Oplan Bulabog, paninigarilyo, police operations, shabu, 4 arestado, buy bust, improvised tooter, Mandaluyong, Oplan Bulabog, paninigarilyo, police operations, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.