Ayon sa mga otoridad, mabilis na tumakas ang tatlong suspek na armado ng mahahabang baril.
Dumating sa gusali ang mga lalaki sakay ng isang kulay itim na SUV at saka namaril.
Hindi pa matukoy ng mga pulis kung maituturing na terrorist attack ang insidente, pero nagpatupad na ng lockdown sa San Bernardino City Hall at sa mga korte sa nasabing lugar.
Ayon kay San Bernardino Police Chief Jarrod Burguan, nasa lugar na ang mga miyembro ng SWAT team at bomb squad para tiyaking ligtas na ang gusali.
Ang nasabing centre ang nangangalaga para sa mga taong mayroong developmental disabilities.
Samantala, matapos maganap ang pamamaril, binulabog naman ng bomb threat ang Loma Linda University Medical Center. Sa nasabing ospital isinugod ang anim na biktima sa San Bernardino shooting.
Matapos matanggap ang bomb threat agad isinailalim sa code yellow ang pagamutan at pinayuhan ang mga empleyado na sundin ang bomb threat protocols.