Abp. Valles tinawag na ‘satanas’ ang mga drug traffickers

Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles sa mga mamamayan na huwag magpatukso sa kalakalan ng iligal na droga.

Sa isang homilya, nagpahayag ng kalungkutan ang arsobispo sa kadalasang laman ng mga balita ukol sa pagkakakumpiska sa bilyun-bilyong halaga ng droga.

Tinawag ni Valles na satanas ang mga taong nasa likod ng illegal drug trade.

“In the news, we see not just thousands but billions worth of drugs shipped into the country by drug traffickers. They are satans,” ayon sa arsobispo.

Ani Valles, sinisira ng bawal na droga ang pisikal na kalusugan ng isang tao at mga pangarap nito.

Inilunsad ng Church official ang isang drug rehabilitation program sa kanyang arkidiyosesis na tinaguriang Sagop Kinabuhi (Save Lives) Program (SKP).

Pinakaprayoridad na makaiwas sa drug abuse ngunit mahalaga rin anya ang rehabilitasyon upang ang mga biktima ng droga ay makabalik sa lipunan.

Naniniwala si Valles na ang Simbahan at ibang sektor ay dapat tumulong sa mga biktima ng bawal na gamot.

Giit ni Valles, bawat buhay ng tao ay mahalaga at ito ang katuruan na hindi kailanman mababago.

“Each person is precious to the eyes of God. That is a teaching that cannot be touched. Life is precious. No discussion about that,” ani Valles.

Read more...