DOLE nakikipag-usap sa Thailand para sa employment ng Filipino teachers

Kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Thailand para sa hiring ng Filipino teachers.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, sa susunod na dalawang linggo ngayong buwan ay magkakaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) sa Thailand para sa hiring ng mga guro.

Nangangailangan anya ang naturang bansa ng mga English Teachers.

Hindi pa alam ni Bello sa ngayon kung ilan ang eksaktong bilang ng kakailanganing teachers sa Thailand.

Nauna nang inihayag ng Department of Education na nakapulong nito ang Ministry of Education of Thailand para sa employment ng Filipino teachers para sa ‘English for All’ project.

Read more...