DOE: Publiko hindi dapat mabahala sa pagsasailailalim sa Luzon Grid sa yellow alert

By Rhommel Balasbas April 03, 2019 - 02:37 AM

Ipinagsawalang-bahala ng Department of Energy (DOE) ang pagsasailalim sa Luzon Grid sa yellow alert kahapon at hindi dapat ito ikaalarma.

Ayon kay DOE Assistant Secretary Redentor Delola ang yellow alert ay dahil lamang sa unscheduled shutdown ng ilang mga planta ng kuryente.

Iginiit ni Delola na may sapat na suplay ng kuryente ang Luzon grid ngayong summer months.

Ang yellow alert ay itinataas sakaling may mababang reserba ng kuryente ngunit hindi ito nangangahulugan na magkakaroon agad ng power outage.

Naalarma ang grupong Bayan Muna sa yellow alert status at hinimok ang publiko na maging mapagmatyag.

Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares, hindi dapat gamitin ng power generators at distributors ang shutdowns para magtaas ng singil sa kuryente.

TAGS: Bayan Muna, DOE, DOE Assistant Secretary Redentor Delola, luzon grid, Neri Colmenares, planta ng kuryente, power generators, sapat ang supply, Summer, Tag-init, unscheduled shutdown, Yellow Alert, Bayan Muna, DOE, DOE Assistant Secretary Redentor Delola, luzon grid, Neri Colmenares, planta ng kuryente, power generators, sapat ang supply, Summer, Tag-init, unscheduled shutdown, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.