LOOK: Marian Rivera mala-Dyosa sa magazine cover

Umaapaw ang kagandahan ng aktres na si Marian Rivera sa kanyang mga larawan para sa isang magazine.

Makikita sa mga larawan ng Mega Magazine na mala-Dyosa ang aura ni Marian na lalong pinatingkad ng kanyang pagbubuntis.

Suot ng aktres ang pink maternity dress na bumagay sa kanyang pink fashion.

Sa isang litrato ay makikita si Marian na napapaligiran ng mga bulaklak na terno sa suot nitong flower-designed outfit.

Sa nasabing magazine ay ibinahagi nito ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong magiging dalawa na ang anak nila ni Dingdong Dantes.

Kasabay ng kanyang kabuwanan, ngayong buwan ng Abril ang release ng naturang magazine.

 

View this post on Instagram

 

As she blooms on our April issue, Marian Rivera (@marianrivera) shares the joys and lessons she learned from being an actress, a wife, and a mother all at once. See the full video and story on mega.onemega. com. Videography by Ian Francisco of New Monarq Creativx

A post shared by MEGA (@mega_magazine) on Apr 2, 2019 at 4:02am PDT

Read more...