Duterte late sa kampanya sa Malabon dahil pumunta pa sa dentista

By Chona Yu April 03, 2019 - 01:01 AM

Nagpaliwanag si Pangulong Rodorigo Duterte sa mahigit 2 oras na pagka late sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon city Miyerkules ng gabi.

Paliwanag ng Pangulo, bumisita muna siya sa kanyang dentista dahil may butas ang kanyang limang ngipin.

Kaya aniya natagalan siya sa pagpunta sa campaign rally ng kanyang partido.

“Late lang ako ng konti pero pumunta ako ng dentista kay lima ang butas ng ngipin ko. Walang — natagalan,” ani Duterte.

Alas 5:00 ng hapon nakatakda ang campaign rally pero dumating ang Pangulo ng pasado alas 7:00 na ng gabi.

TAGS: 5 ngipin, campaign rally, dentista, kampanya, late, Malabon, nagpaliwanag, Pangulong Rodorigo Duterte, PDP Laban, 5 ngipin, campaign rally, dentista, kampanya, late, Malabon, nagpaliwanag, Pangulong Rodorigo Duterte, PDP Laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.