Nakatakda ang presscon alas 3:00 ng hapon sa Resorts World Manila pero makalipas ang 8 oras ay hindi ito dumating.
Humingi ng paumanhin ang event organizers hindi dahil sila ang may kasalanan kundi dahil sa pabago-bagong isip ni Mayweather na nagresulta una sa delay ng event at kalaunan ay kanselasyon nito.
Sa anunsyo ng isang kinatawan ng Resorts World Manila dakong 9:00 ng gabi, pabirong sinabi na tila nag-enjoy nang mabuti ang boksingero kaya iniba nito ang kanyang itinerary.
Makalipas ang 2 oras ay tuluyan nang inanunsyo na hindi na makakarating si Pretty Boy Floyd.
Sakay ng kanyang private jet ay dumating si Mayweather noong Linggo at pumunta ito sa Boracay at kasunod ay ang endorsement nito para kay Dr. Vicki Belo.
Nakatakdang umalis si Mayweather ngayong Miyerkules.
Representative from Resorts World Manila informs the media, VIP guests that Floyd Mayweather Jr. is no longer available for the press conference. pic.twitter.com/GMr1Stw6wt
— MG (@MarkGiongcoINQ) April 2, 2019