Napako na kasi sa P100 kada buwan ang kontribusyon ng mga miyembro kaya nais ng Pag-IBIG na maging P150 o P200 ito na tatapatan naman ng employer.
Ayon kay Pag-IBIG President at Chief Executive Officer Acmad Moti, sa nakalipas n 7 taon ay hindi bababa sa 15 porsyento ang dagdag na pautang ng ahensya kabilang ang multi-purpose loan.
Magtataas ang Pag-IBIG ng kontribusyon kung mananatiling lampas sa 10 porsyento ang dagdag na pautang.
Iginiit ni Moti na dapat ay abot-kamay pa rin ang kanilang rates at kailangan nilang pag-isipan ang magiging source ng pondo nang hindi nangungutang.
Pero paniniyak nito, sa pagtaas ng kontribusyon ay lalaki rin ang pwedeng utangin gayundin ang ipon o savings ng miyembro.
Taong 2021 ang target date ng Pag-IBIG para sa dagdag kontribusyon.