Duterte kay Mayor Oreta: ‘Ayusin ang problema sa droga o maaresto’

By Chona Yu, Len Montaño April 02, 2019 - 10:14 PM

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malabon Mayor Antolin “Len Len” Oreta III na aarestuhin ito kung mabigo na ayusin ang problema sa droga.

Binigyan ng Pangulo ng deadline ang Alkalde para resolbahin ang isyu o maaresto ito.

“Mayor linisin mo ang Malabon mo, bigyan kita ng isang buwan. Sabihin ko kay (Cong.) Ricky (Sandoval), sorry na lang ha pahuli ko mayor niyo. Itapon na lang sa Manila Bay,” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa kampanya ng PDP-Laban sa Malabon Martes ng gabi.

Sa ngayon ay wala pang lumabas na reaksyon si Oreta sa hamon ng Pangulo na linisin nito ang droga sa lungsod at ang bantang ipapa-aresto ito.

Target ni Oreta ang reelection sa May elections para sa kanyang huling termino at kalaban nito ang misis ni Sandoval sa mayoralty race.

Tumatakbo si Oreta sa ilalim ng Liberal Party at pinsan siya ni opposition Senator Bam Aquino.

Habang ang mag-asawang Sandoval ay tumatakbo sa ilalim ng partido ni Dutete na PDP-Laban.

TAGS: ayusin, isang buwan, liberal party, linisin ang Malabon, Malabon, may elections, Mayor Antolin “Len Len” Oreta III, PDP Laban, problema sa droga, reelection, Rep. Ricky Sandoval, Rodrigo Duterte, Sen. Bam Aquino, ayusin, isang buwan, liberal party, linisin ang Malabon, Malabon, may elections, Mayor Antolin “Len Len” Oreta III, PDP Laban, problema sa droga, reelection, Rep. Ricky Sandoval, Rodrigo Duterte, Sen. Bam Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.