Estudyante nalunod sa talon sa Benguet

By Len Montaño April 02, 2019 - 09:51 PM

Credit: Tuba Municipal Police Station

Nalunod ang isang 17 anyos na estudyante habang naliligo sa isang talon sa Tuba, Benguet.

Ayon sa ama ng binatilyo, nagpaalam ang anak na nakilala lang sa alyas Ben na kukuha lamang ito ng clearance sa eskwelahan.

Pero may natanggap na tawag kalaunan ang ama na ang biktima ay nalunod at nasa Hydro 2, Sitio Camp 6.

Tinangka pang i-revive ng mga rescuers ang estudyante pero wala na itong buhay.

Nabatid na limang taon ng sarado sa publiko ang lugar.

Ayon sa kagawad na si John Mayapit, may nakalagay na tarpaulin na may nakasulat na bawal maligo sa talon pero nasira na pala ito noong Bagyong Ompong.

May mga nagbabantay din umano at nagbabawal sa mga pumapasok sa lugar pero may mga nakakalusot at dumadaan sa ibang lugar hanggang makarating sa talon.

TAGS: bawal maligo, benguet, binatilyo, clearance, estudyante, nalunod, talon, tuba, bawal maligo, benguet, binatilyo, clearance, estudyante, nalunod, talon, tuba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.