Paglalagay sa Luzon Grid ng Yellow Alert ngayong summer, nakababahala – Zarate
Nagpahayag ng pagkabahala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa pagsasailalim sa Luzod Grid sa yellow alert ngayong panahon ng tag-init.
Ayon kay Zarate, ang yellow alert status sa Luzod Grid ay dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Sinabi nito na ang yellow alert ay paraan lamang para makapagtaas ng singil sa kuryente lalo pa’t pumalo na sa P34 ang clearing price ng kuryente sa Wholesale Electricity Stock Market (WESM).
Nakakagalit aniya ang panloloko na gagawin sa mga consumer dahil tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) na may sapat na suplay ng kuryente ngayong summer.
Nitong nakaraang Marso, tatlong beses na nagtaas sa yellow power alerts sa bansa at magkakasunod ang mga power outages sa Masinloc 2, Pagbilao 1, SLTEC at Malaya 2 power plants.
Iginiit ng kongresista na hindi ito dapat gamiting dahilan ng Meralco na magpataw ng dagdag-singil sa kuryente sa consumers sa mga susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.