30 patay sa sunog sa isang bundok sa China

Tuluyan nang naapula ng mga bumbero ang sunog sa kabundukan sa western China.

Tatlong helicopter ang ginamit ng rescue team para maapula ang sunog.

Kinumpirma ng Ministry of Emergency Management na nasa 27 bumbero at tatlong kasamahan ang nasawi makaraang ma-trap sa nasusunog na remote area.

Batay sa mga ulat, inilipat na ang katawan ng mga nasawing bumbero sa bayan ng Xichang sa Sichuan province.

Nag-alay ng mga bulaklak ng mga residente para makiramay at magbigay ng respeto sa mga biktimang bumbero.

Ang ilan sa mga bangkay ay posibleng malaman ang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng DNA.

Read more...