EO sa Zero Hunger Inter-Agency Task Force, inaprubahan ni Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na magtatatag sa Zero Hunger Inter-Agency Task Force.
Ayon kay Cabinet secretary Karlo Alexi Nograles, idiniga niya sa 36th cabinet meeting ang panukalang EO at agad na inaprubahan ng pangulo.
Sa ngayon, sinabi ni Nograles na isinasapinal na ang EO bago isapubliko.
Sa ilalim ng EO, target ng pamahalaan na mabigyang solusyon ang kahirapan sa bansa pagsapit sa taong 2030 at mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa kakulangan ng pagkain.
Ayon kay Nograles, 36 na ahensya ng pamahalaan ang magtutulung-tulong para sa naturang programa.
Tinatayang aabot sa 2.4 milyong pamilyang Filipino ang nakararanas ng pagkagutom noong 2018 kung saan 13.7 milyong bata ang undernourished.
Bukod sa task force, tinalakay rin ang status ng pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para sa Rice Tariffication Act.
Una nang inaprubahan ng pangulo ang bagong batas na nag aalis sa limitasyon ng pag-aangkat ng bigas sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.