Westlife, magkakaroon ng second concert sa Pilipinas

Photo grab from Wilbros Live’s Facebook page

Magkakaroon ng second concert ang Irish boy band na Westlife sa Pilipinas ngayong taon.

Batay kasi sa anunsiyo ng Wilbros Live, mabilis naging sold out ang ticket ng kanilang July 30 concert ilang araw matapos buksan ang bentahan nito.

Maraming Filipino fans ang nagparating nang pagnanais ng day 2 concert para mapanood ang 90s boy band.

Gaganapin ang second concert sa Araneta Coliseum sa July 29.

Sisimulan naman ang pagbebenta ng ticket sa second concert sa April 13.

Ilan sa mga hit song ng Westlife ang “I Lay My Love on You,” “Food Again,” “My Love,” at iba pa.

Read more...