MMDA, planong maglagay ng barikada sa ilang kalsada sa Metro Manila
Kasabay ng nararanasang bigat ng trapiko, plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng mga barikada sa ilang kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA traffic chief Bong Nebrija, posibleng makatulong ang plano para maiwasan ang ilegal na pagsakay at pagbaba ng mga pasahero ng bus.
Marami pa rin aniya kasing drayber ng bus ang hindi sumusunod sa mga itinalagang loading and unloading zones.
Dagdag pa nito, nakasanayan na ng mga drayber ang pagbabagal ng takbo sa mga loading and unloading zones na nagiging sanhi ng pagsisikip ng trapiko.
Sinabi pa nitong unti-unting gagawan ng soluyson ang bigat ng trapiko sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.