Leah Navarro, ipinagtanggol si Jim Paredes ukol sa kumalat na sex video

Photo grab from Leah Navarro’s Twitter account

Ipinagtanggol ng singer na si Leah Navarro ang kaibigan at kapwa-singer na Jim Paredes ukol sa kumalat na sex video nito.

Sa kaniyang tweet, iginiit ni Leah na pribado ang naturang video.

Maituturing aniya bilang isang criminal act ang pagkakalat ng video o anumang pribadong impormasyon sa publiko nang walang permiso.

Bwelta pa ng singer, matinding karma ang babalik sa sinumang responsable sa pagkalat ng video.

Sa kaniyang blog post, inamin ng dating Apo Hiking Society singer na totoo ang video pero pribado lamang ito at hindi para sa publiko.

Read more...