Ban sa mga provincial bus sa Edsa, anti-probinsyano ayon kay Rep. Salceda
Tinawag na anti-probinsyano ni Albay Rep. Joey Salcedo ang hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang mga provincial buses sa Edsa.
Ayon kay Salceda, hindi makabuluhan ang plano ng MMDA na ipatutupad na sa buwan ng Hunyo.
Sinabi ng mambabatas na malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang hakbang ng MMDA at lalo pang mahihirapan ang mga pasahero bukod pa sa dagdag na gastusin.
Bukod dito, hindi rin anya dapat isisi sa mga bus ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Kung tutuusin anya ay mas marami ang bilang ng mga pribadong sasakyan na nasa 2.8 million habang nasa apat na libo lamang ang provincial buses.
Ikinumpara pa nito ang Metro Manila sa Tokyo at New York na mas prayoridad ang pampublikong sasakyan kaya mali anya ang tatlumpu’t siyam na kilometrong layo ng itatayong provincial bus stations.
Sa plano ng MMDA, ililipat na sa Valenzuela City ang mga terminal ng bus na patungong norte habang sa Santa Rosa, Laguna naman para sa mga bibiyahe patungong Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.