Iba pang kontrata ng gobyerno sa mga pribadong kompanya at sa ibang bansa pinarerebyu ni Pangulong Duterte

By Chona Yu April 02, 2019 - 02:40 PM

Hindi lamang ang kontrata ng Maynilad sa gobyerno ang pinarerebyu ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Office of the Solicitor General (OSG) at Department of Justice (DOJ) kundi ang lahat ng kasunduan na pinasok ng gobyerno sa mga pribadong kompanya at sa ibang bansa.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pinatatanggal ni Pangulong Duterte ang mga probisyon sa mga kontrata na nakasasama sa buhay ng mga Filipino.

Pinatutulong din ng pangulo sa OSG at DOJ ang lahat ng legal department ng pamahalaan.

Katwiran ng pangulo, hindi dapat na malugi ang Pilipinas sa alinmang kontrata at dapat na mangibabaw pa rin ang interes ng bawat Filipino.

TAGS: DOJ, lahat ng kasunduan na pinasok ng gobyerno, maynilad, mga pribadong kompanya at sa ibang bansa, OSG, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, DOJ, lahat ng kasunduan na pinasok ng gobyerno, maynilad, mga pribadong kompanya at sa ibang bansa, OSG, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.